Saturday, May 12, 2012

The rocky side of Galera:Palangan

Hindi ko na appreciate ang lugar at yung mga empleyado ng Palangan Bay Resort, pero nakakataba ng puso ang mga tao sa labas ng resort. That's why I am proud to be a Filipino. Exited. Yun ang pakiramdam ko ng tawagan ako ng kaibigan kung si Ann upang sabihin na isasama niya ako papunta sa Puerto Galera kasama ng mga dati niyang 5 highschool classmate. Sagot niya ang hotel at food expenses ko (hindi kasama yung mga classmate nya) basta ako na raw sa itenerary. Awa naman ng Diyos, nakagawa kami ng paraan para magkapera ako. Thanks Ann. April 30, 2012 Natulog muna kami sa Kamagong Hotel sa Avenida na ni request ng girlfriend ng classmate niyang babae (alam nyo na yun). nagkasya kami nila Ann sa kama kasama nila Lhei at Patrick at yung dalawang ,agsyota sa kabilang kwarto. 5am Tumungo na kami sa Batangas Port para makasakay. at naksakay kami 9am. wow isang oras kami sa dagat at nakarating kami sa Muelle. Iba pala yun sa White Beach na sinasabi nila. Tantananan... Welcome to Palangan Bay View Resort. Dismaya, ayan ang pakiramdam namin nung makita namin ang resort. Okay lang naman siya pero wla kaming nakitang white beach. (kaya ka nga pumunta ng galera dahil sa white beach) Maganda rin naman ang facility, may dalawang swimming pool at may mala cottages na nasa ibabaw ng dagat na mabato. Hehehe Nadismaya kami lalo ng makaranas ang kasamahan ko na hindi maayos na approach ng mga empleyado ng resort sa kasamahan namin. Masungit daw yung tindera at feeling namin na palagi kaming pinag-uusapan ng mga empleyado nila pag-dadaan kami sa harap ng headquarters nila. Kakainis diba. Ang mahal pa ng pagkain sa loob, as in GINTO. Pero nabago ang lahat ng mga negatibong aspeto namin nung naisipan namin na magpaluto ng pancit canton sa labas. 25pesos kasi sa resort magpaluto ng 10pisong luckyme pancit canton pero nabili namin ng 20 pesos kada isa sa labas. Nagulat kami ng makita namin yung niluto canton ni Lola, hindi na namin na itanong ang pangalan niya,parang 7 canton ang niluto nya bagamat 6 lang ang ipinapaluto namin. May mga gulay pang rekado at may kasama pang suman. Kaya nagpaluto na rin kami ng hapunan namin kay lola sa halagang 60 pesos. Nilutuan kami ng Chop Suey at Isda at may Unlimited Rice with Coke pa. Busog kami. Inanyayahan rin kami ni Lola na dun na lang kumain ng pananghalian for FREE, kasi fiesta sa kanila. Wow, napaka Hospitable ng mga tao dun pati ng Capitan nila dun na inanyayahan kami manood ng karera ng katig.

No comments:

Post a Comment