Angkas (Join Ride)
Jacky's Trip. Enjoy it for free.
Tuesday, August 8, 2023
Sama sama Tayo sa Calatagan 2023
Guys, ito yung first time namin na Reunion na biglaang plano as in sa una yung plinaplano ito hindi ko talaga alam kung bakit ganito bakit ganun. Anyways natuloy naman kami. Kahit kunti kaming umattend, bali mga 13 lang kami nun. Sobrang Saya naman kasi first time namin magreunion outside ng Metro Manila. Ito na din kasi ang 20th year ng aming Class Reunion. Buo pa rin at matatag na magkakasama,
Labels:
Calatagan,
High School,
Reunion
Location:
Calatagan, Batangas, Philippines
Wednesday, May 30, 2012
Anawangin Cove Escapade.
Hindi ko inaasahan.
Never in my mind nor even in my plan na pumunta sa natatagong paraiso ng Anawangin Cove, situated on sea side of Zambales surrounded by a huge mountain range, as in pinapalibutan ng naglalakihang bundok.
Thanks to my special friend, Ann, kaya nakapunta ako sa Anawangin Cove. I considered it as a very special gift na natanggap ko na ng advance sa birthday ko sa June.
Nagsimula ang napakahabang byahe namin sa Victory Liners Caloocan Terminal papuntang San Antonio Zambales. Almost 12 am na kami nakaalis and we need to travel 3 1/2 hours para marating ang San Antonio. I fell uncomfortable noong nasa bus kami kasi ang tigas ng upuan unlike ng bus nila sa Baguio(I'm talking about Victory Liner BUs).
After we have reached San Antonio, namalengke na kami ng makakain namin at mga accessories na gagamitin sa campsite. Anyways, campsite pala ang tututluyan namin so expected na namin na wlang signal o kuryente on that are.
So after namiliui kami sa palengke, dumerecho kami sa Pier 3, Pundaquit para sumakay sa KATIG (maliit na de motor na bangka na kasya ang kinseng katao). Almost 8 am na kami nakaalis sa pampang na Pundaquit.
Nakarating na rin kami sa pampang at nakita namin na hindi pala white beach ang Anawangin kundi grey.. hehehhehe Anyways para namang baguio yung Anawangin kasi napupuno siya ng puro Pine Trees at napapaligiran siya ng Bundok..
After na mgahanda ng tent at mananghalian.... Umakyat kami ng bundok.. Yung iba kung kasama lalo na si Ann, hindi na nakaakyat.
at kinagabihan, candle light ang tanging tanglaw namin kasi tinatamad pa kami mag bonfire..
Sa kabila ng maalon na dagat, nag-enjoy naman kami, para kaming nasa perya non time na yun. hehhehe.. Nakakatakot na nakakasabik. Para kaming tsinutsunami noon. |
Nakarating na rin kami sa pampang at nakita namin na hindi pala white beach ang Anawangin kundi grey.. hehehhehe Anyways para namang baguio yung Anawangin kasi napupuno siya ng puro Pine Trees at napapaligiran siya ng Bundok..
After na mgahanda ng tent at mananghalian.... Umakyat kami ng bundok.. Yung iba kung kasama lalo na si Ann, hindi na nakaakyat.
hehehehhe kasama ko sila Miller at King nun na nakaakyat sa bundok.. |
at kinagabihan, candle light ang tanging tanglaw namin kasi tinatamad pa kami mag bonfire..
Saturday, May 12, 2012
The rocky side of Galera:Palangan
Hindi ko na appreciate ang lugar at yung mga empleyado ng Palangan Bay Resort, pero nakakataba ng puso ang mga tao sa labas ng resort. That's why I am proud to be a Filipino.
Exited.
Yun ang pakiramdam ko ng tawagan ako ng kaibigan kung si Ann upang sabihin na isasama niya ako papunta sa Puerto Galera kasama ng mga dati niyang 5 highschool classmate. Sagot niya ang hotel at food expenses ko (hindi kasama yung mga classmate nya) basta ako na raw sa itenerary. Awa naman ng Diyos, nakagawa kami ng paraan para magkapera ako. Thanks Ann.
April 30, 2012
Natulog muna kami sa Kamagong Hotel sa Avenida na ni request ng girlfriend ng classmate niyang babae (alam nyo na yun). nagkasya kami nila Ann sa kama kasama nila Lhei at Patrick at yung dalawang ,agsyota sa kabilang kwarto.
5am
Tumungo na kami sa Batangas Port para makasakay.
at naksakay kami 9am.
wow isang oras kami sa dagat at nakarating kami sa Muelle. Iba pala yun sa White Beach na sinasabi nila.
Tantananan... Welcome to Palangan Bay View Resort.
Dismaya, ayan ang pakiramdam namin nung makita namin ang resort. Okay lang naman siya pero wla kaming nakitang white beach.
(kaya ka nga pumunta ng galera dahil sa white beach)
Maganda rin naman ang facility, may dalawang swimming pool at may mala cottages na nasa ibabaw ng dagat na mabato. Hehehe
Nadismaya kami lalo ng makaranas ang kasamahan ko na hindi maayos na approach ng mga empleyado ng resort sa kasamahan namin. Masungit daw yung tindera at feeling namin na palagi kaming pinag-uusapan ng mga empleyado nila pag-dadaan kami sa harap ng headquarters nila. Kakainis diba. Ang mahal pa ng pagkain sa loob, as in GINTO.
Pero nabago ang lahat ng mga negatibong aspeto namin nung naisipan namin na magpaluto ng pancit canton sa labas. 25pesos kasi sa resort magpaluto ng 10pisong luckyme pancit canton pero nabili namin ng 20 pesos kada isa sa labas.
Nagulat kami ng makita namin yung niluto canton ni Lola, hindi na namin na itanong ang pangalan niya,parang 7 canton ang niluto nya bagamat 6 lang ang ipinapaluto namin. May mga gulay pang rekado at may kasama pang suman. Kaya nagpaluto na rin kami ng hapunan namin kay lola sa halagang 60 pesos. Nilutuan kami ng Chop Suey at Isda at may Unlimited Rice with Coke pa. Busog kami.
Inanyayahan rin kami ni Lola na dun na lang kumain ng pananghalian for FREE, kasi fiesta sa kanila.
Wow, napaka Hospitable ng mga tao dun pati ng Capitan nila dun na inanyayahan kami manood ng karera ng katig.
Labels:
Palangan,
Puerto Galera
Location:
Puerto Galera, Philippines
Subscribe to:
Posts (Atom)